Drug suspect, arestado sa buy-bust ops sa sa Pasig

Credit: Pasig City Police

Timbog ang isang drug suspect sa ikinasang buy-bust operation sa Pasig City, araw ng Sabado.

Naaresto ng mga elemento ng Special Drug Enforcement Unit ng Pasig City Police Station ang drug suspect na si Princes David alyas “Tet”, 24-anyos, sa bahagi ng Daang Kalabaw, Magsaysay sa Barangay Manggahan dakong 2:30 ng madaling-araw.

Ayon sa pulisya, kabilang si David sa drug watchlist sa lugar.

Nakuha mula kay David ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu at P200 buy-bust money.

Dinala na rin ito sa Eastern Police District (EPD) Crime Laboratory para isailalam sa drug test at laboratory examination.

Mahaharap naman ang suspect sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...