Pagpaslang sa mga drug suspek hindi polisiya ng PNP

Hindi kailanman naging polisiya sa loob ng Philippine National Police (PNP) ang pagpaslang sa mga drug suspek.

Ito ang nilinaw ni PNP Spokesperson Police Senior Superintendent Benigno Durana matapos ang mga panawagan ng international bodies na tapusin na ng pamahalaan ang mga drug killings sa bansa.

Ani Durana, bagaman mga drug suspek ay mayroon pa ring karapatan ang mga ito sa presumption of innocence at due process na nakasaad sa batas ng Pilipinas.

Ngunit aniya, walang ibang magagawa ang mga pulis kundi depensahan ang kanilang mga sarili sa kasagsagan ng mga operasyon. Dahilan aniya ito upang gumamit ng pwersa upang maaresto ang mga armado at gumagamit ng iligal na droga.

Ayon pa kay Durana, ang nasa polisiya ng PNP ay ang pagiging mahigpit sa pagpapatupad ng batas at pagsupil sa krimen lalo na sa iligal na droga, habang pinapanatili ang karapatang pantao at rule of law.

Handa naman aniya ang PNP na makipagtulungan sa mga grupong umuusig sa kampanya ng pamahaal kontra sa iligal na droga. Ngunit kailangang dumaan muna ito sa Office of the Solicitor General na siyang pinakaepektibong ahensya na kakatawan sa PNP.

Read more...