Pag-aresto sa mga tambay tinawag na anti-poor; pulisya pinalagan ang paratang

INQUIRER PHOTO

Ginawagang krimen ang pagiging mahirap.

Ito ang naging pahayag ni Kabataan Partylist Representative Sarah Elagos sa isang forum sa University of the Philippines.

Aniya, mistulang anti-poor campaign ang ginagawa ng mga pulis na pag-aresto sa mga sinasabing tambay.

Patunay aniya ito na imbes na gumawa ng paraan ang gobyerno upang masawata ang kahirapan ay ginagawa pang isang krimen ang pagiging mahirap.

Samantala, nauna nang sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director, Police Chief Superintendent Guillermo Eleazar na hindi totoo ang paratang.

Paliwanag ni Eleazar, walang mga tambay sa mga highly urbanized area kaya wala silang nahuhuli sa mga ganitong lugar.

Aniya pa, wala namang umiinom sa mga pampublikong lugar sa mga exclusive villages kung saan may mga security guard na nagbabantay sa loob at umaasiste sa pagpapanatili ng kapayaan.

Paglilinaw pa ng hepe, hindi naman inaaresto ang mga tambay na hindi lumabag sa anumang lokal na ordinansa.

Read more...