50 pamilya nawalan ng tirahan sa isang sunog sa Maynila

Fire Alert Metro Manila

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na sumiklab sa isang residential area sa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon sa Manila Fire Department, alas-10:12 ng gabi ng Sabado ng sumiklab ang apoy mula sa bahay ng isang Budoy Sarmiento.

Ayon sa otoridad, posibleng naiwang nakasinding kandila ang mitsa ng pagliliyab na tuluyang naapula bandang alas-12:12 ng hatinggabi,

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay na pawang gawa sa light materials.

15 mga bahay ang natupok sa sunog, kung saan nasa 50 pamilya ang nawalan ng tirahan.

Ayon sa Manila Fire Department, nasa P150,000 ang kabuuang pinsala sa ari-arian dahil sa naganap na pagliliyab.

Read more...