Sa forum sa University of the Philippines Sabado ng umaga, sinabi ni Elago na kailangang makalaya na ang mahigit 7,000 katao na anya’y iligal na inaresto dahil sa kampanya laban sa mga tambay.
Dagdag ng kongresista, dapat managot ang pangulo sa umanoy paglabag sa karapatang pantao ng mga inarestong tambay.
Giit ni Elago, sinabi mismo ng pangulo na pwedeng imbitahan ng pulis ang taong nasa kalsada at walang ginagawa dahil pwede raw magdulot ng potential harm sa publiko.
Una nang nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na hindi target ng kanilang operasyon ang mga tambay kundi iyong mga lumalabag sa mga lokal na ordinansa.