John Lloyd nakipag-jamming sa isang banda sa Cebu

Naispatan ang aktor na si John Lloyd Cruz kasama ang isang banda sa isang bar sa Cebu.

Pumunta si John Lloyd sa The Tavern Cebu at sumali sa rockoustic Fridays event ng bar.

Sa Instagram stories ng bar ay makikita si Loydie sa isang group shot at may video rin ng jamming nito sa banda.

Sa post ay makikitang tumutugtog ng gitara ang aktor habang kinakanta ng banda ang awiting “Banal na Aso, Santong Kabayo” ng grupong Yano.

Huling nakita si John Lloyd kasama ang rumored girlfriend na si Ellen Adarna sa Amanpulo noong Mayo.

Lie low ang celebrity couple liban sa ilang social media posts sa gitna ng umano’y pagkakaroon ng anak ng dalawa.

Noong nakaraang buwan ay nasangkot si Adarna sa kontrobersiya nang akusahan nito ang isang dalaga na umanoy paparazzi na kumuha raw ng kanyang litrato at video sa isang restaurant na umabot pa sa pagsasampa ng reklamo ng magulang ng teenager laban sa aktres.

Read more...