Chinese military plane muling nakita sa Davao City

Photo: PPSG

Bumalik sa Davao City ang kontrobersyal na Chinese military plane na lumapag sa Davao International Airport noong June 8.

Ayon sa sources, nagsagawa ng mabilis na refueling ang People’s Liberation Army Air Force il-76 strategic airlifter matapos manggaling sa New Zealand para sa military exercise.

Parehong paliwanag ang ibinigay ng Chinese Embassy at mga otoridad sa Davao City matapos na muling makita ang eroplano sa paliparan.

Ayon kay Chinese Ambassador Zhao Jianhua, walang dahilan para mag-alala ang mga Pinoy sa paglapag ng kanilang mga military airplane sa Pilipinas dahil wala umanong intensyon ang China na gyerahin ang isang mabuting kapitbahay.

Nilinaw naman ng Malacañang na ang refueling ng Chinese plane ay dumaan sa tamang proseso at may clearance sa kaukulang mga ahensya ng gobyerno.

Kaninang hapon ay umalis na ang Chinese military plane sa Davao City at pabalik na sa China.

Read more...