Ayon sa palasyo, proactive at tinutugunan naman ng gobyerno ang mga kaso nga pag-abuso lalo na ang may kaugnayan sa war on drugs.
Nanindigan si Presidential Spokesperson Harry Roque na ginagawa ng pamahalaan ang trabaho nito sa isyu ng human rights.
May imbentaryo anya ng mga umanoy napatay sa kampanya laban sa iligal na droga para malaman kung talagang nasunod ang tamang proseso.
Giit ni roque, hindi na kailangan ang panawagan ng mga dayuhan dahil may ginagawa ang gobyerno maski walang panawagan.
Pahayag ito ng Malacañang kasunod ng apela ng 38-member states ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na imbestigahan ng gobyerno ng Pilipinas ang human rights situation sa bansa.