“Fit-All tariff” increase sa kuryente, dapat ibasura ng ERC

Hiniling ngayon ni Atty. Victorio Dimagiba ng Laban Konsyumer Inc. na bawiin ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pagpapataw ng Feed-in tariff allowance (Fit-All) na P0.2563/kilowatt hour ng kuryente simula ngayong buwan.

Ito’y matapos itaas ng ERC ng P0.0733/kwh sa dating Fit-all na P0.1830/kwh.

Ang Fit-all ang tinatawag na “uniform charge” sa bawat kilowatt hour para pambayad sa tuluy –tuloy na suplay ng kuryente na dumadaan sa “transmission at distribution network” ng bansa.

Ito’y kinukwenta taun-taon ng ERC at isinasama sa “billing” ng mga consumers.

Ayon kay Atty. Dimagiba, ilang kwestyonable at di-makataong pagtataas ng “Fit-all charges” ang isinagawa ng ERC nang walang “due process” at ito’y lalong nagpapabigat sa hirap ng mga consumers.

Dalawang petisyon ang iniharap ng kanilang grupo para ibasura ang mga desisyon ng ERC noong 2016 at 2017, pero ito’y hindi inaaksyunan.
Sa ngayon, sinuspindi ng Ombudsman ang apat na ERC Commissioners dahil sa isyu ng Meralco meter deposits.

Read more...