Apple, may libreng repair ng depektibong Macbook keyboards

Sa pambihirang pagkakataon, inamin ng Apple ang depekto ng mga keyboards ng kanilang ilan sa kanilang Macbook at Macbook Pro models lalo na sa dumidikit, paulit-ulit at hindi tumitimbreng keys.

Sa statement na ipinadala sa 9to5Mac website, sinabi ng Apple na naglunsad sila ng MacBook & MacBook Pro service program upang ayusin ang dumaraming reklamo sa kanilang mga keyboards.

Maaring ipa-service ang mga may sirang keyboards sa mga Apple stores o Apple Authorized service providers ng walang bayad. Kasama sa libreng serbisyo ang mga Macbook at Macbook Pros sa loob ng apat na taon mula nang ito’y binili. Ilan sa mga modelong apektado ay ang mga sumusunod.

MacBook (Retina, 12-­inch, Early 2015)
MacBook (Retina, 12­-inch, Early 2016)
MacBook (Retina, 12-­inch, 2017)
MacBook Pro (13­-inch, 2016, Two Thunderbolt 3 Ports)
MacBook Pro (13-­inch, 2017, Two Thunderbolt 3 Ports)
MacBook Pro (13-­inch, 2016, Four Thunderbolt 3 Ports)
MacBook Pro (13-­inch, 2017, Four Thunderbolt 3 Ports)
MacBook Pro (15-­inch, 2016)
MacBook Pro (15-­inch, 2017)

Nauna rito, meron nang tatlong special class action suits na isinampa sa Amerika laban sa Apple dahil sa mga reklamo laban sa mga nasisirang keyboard pati na ang mga bagong modelo na may tinatawag na “ultra-thin butterfly keyboard designs”.

Read more...