Poster ng pelikulang “BuyBust”, isinapubliko

Isinapubliko na ang poster ng pelikula ni Erik Matti na “Buybust.”

Ang poster revelation ay ginawa sa pamamagitan ng social media ni Matti at ng lead actress ng pelikula na si Anne Curtis.

Sa naturang poster, makikita ang duguang si Curtis na may hawak na patalim at may caption na “Killed or Be Killed?”

August 1 ang petsa na pagpapalabas o showing ng pelikula, na storya tungkol sa trabaho ng isang anti-drug enforcement agency laban sa ilegal na droga.

Bukod kay Curtis, kasama sa pelikula sina Brandon Vera, Joross Gamboa, Mara Lopez at Nonie Buencamino.

Nauna nang inanunsyo nina Matti at Curtis na unang mapapanuod sa 2018 New York Asian Film Festival ang BuyBust, bago ang general release sa August 1.

Read more...