Ayon kay Mercado, hindi ang kanyang asawa ang nagpost ng litrato ng selfie sa social media patungkol sa kanyang ika-apat na taon sa kulungan matapos makasuhan kaugnay sa Pork Barrel scam.
Paliwanag ni Mercado, sa kanyang pagkakaalam ay may ibang nangangasiwa sa Facebook account ng mister niya.
Dagdag nito, ang litrato na kumalat ay matagal nang kuha o luma na.
Giit pa ng alkalde, walang cellphone si Revilla habang nakakulong dahil mahigpit na ipinagbabawal ito ng mga otoridad.
Hinala naman ni Mercado, maaaring may ilang bisita na nakausap si Revilla hinggil sa sitwasyon nito na nai-post sa social media.
Nauna nang kinumpiska ng mga pulis ang cellphone umano ni Revilla dahil sa kontrobersyal na selfie post.