Bagong mahistrado sa CA at Sandiganbayan itinalaga ni Pang. Duterte

Nagtalaga ng mga bagong mahistrado sa Court of Appeals at Sandiganbayan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa CA, itinalaga ni Duterte sina Dorothy Montejo-Gonzaga at Emily Aliño-Geluz bilang bagong associate justice.

Papalitan ng dalawang bagong mahistrado sina Romeo Barza at Leoncia Dimagiba.

Si Montejo-Gonzaga ay dating hukom sa Davao Del Norte at siyang nag-utos ng pagdakip kay self-confessed hitman Edgar Matobato.

Habang si Geluz naman ay dating hukom sa Las Piñas RTC at Imus Municipal Trial Court.

Samantala, itinalaga naman ni Duterte si Georgina Dumpit Hidalgo bilang bagong mahistrado sa Sandiganbayan.

Papalitan naman ni Hidalgoo si Rodolfo Ponferrada.

Dati namang hukom sa Caloocan City RTC si Hidalgo at nahalal bilang pangulo ng Philippine Judges Association noong 2015.

Read more...