Cagayan niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang bayan ng Santa Praxedes sa lalawigan ng Cagayan.

Naitala ang lindol sa 13 kilometers North ng Santa Praxedes alas 2:22 ng hapon ng Biyernes. June 22.

Ayon sa Phivolcs, dahil sa nasabing lindol, naitala ang intensity I sa Sinait, Ilocos Sur.

May lalim na 25 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Read more...