2 preso na nambugbog kay Argoncillo kinasuhan na ng murder

Inquirer Photo | Jodee A. Agoncillo

Sinampahan ng kasong murder ng Quezon City Police District o QCPD ang dalawang preso na suspek sa pagpatay kay Genesis “Tisoy” Argoncillo.

Ayon kay QCPD Director Chief Supt. Joselito Esquivel, ang mga nasampahan ng kaso ay sina Justin Mercado at Richard Bautista.

Ang dalawa ay kapwa miyembro ng Sputnik gang at sinasabing mga nambugbog sa bente-dos anyos na si Tisoy.

Naganap ang umano’t pananakit kay Tisoy sa Novaliches Police Station noong June 19.

Batay sa mga saksi, pinagtulungan nina Mercado at Bautista si Tisoy, na nagwawala raw at patakbo-takbo sa loob ng kulungan.

Nauna nang inaresto si Tisoy dahil lamang sa siya’y walang damit pang-itaas, at kinasuhan pa ng alarm and scandal.

Read more...