Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 2:20 ng hapon, makararanas muling ng malakas na buhos ng ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat ang Metro Manila, Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, at Bulacan sa susunod na dalawang oras.
Sa ngayon ayon sa PAGASA, inuulan na ang ilang bahagi ng Batangas partikular ang mga bayan ng Malvar, Balete, Lipa, at Padre Garcia; mga bayan ng Dasmarinas, Gen. Mariano Alvarez, at Carmona sa Cavite; San Pedro, Biñan, Sta. Rosa, at Famy sa Laguna; Tanay, Rizal at ang Gen. Nakar at Calauag sa Quezon.
Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na maging maingat sa posibleng maidulot ng mararanasang pag-ulan gaya ng pagbaha at landslides.
Magugunitang noong Huwebes marami ang na-stranded matapos na bumuhos ang malakas na ulan sa Metro Manila na nagdulot ng pagbaha sa maraming lugar.