Lupang sakahan sa bansa patuloy na nababawasan

INQUIRER FILE PHOTO/ WILLIE LOMIBAO

Nabawasan nang halos kalahati ang mga lupang sakahan sa bansa sa loob ng 32 taon.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, bumaba nang 48% ang bilang ng lupang sakahan sa bansa.

Mula sa 3.65 milyong ektarya noong 1980, nasa 1.90 milyong ektarya na lang ang natira sa mga lupain noong 2012. Katumbas nito ang 1.7 milyong ektarya ng lupang sakahan ang nawala sa bansa.

Apektado nito ng pagkaunti ng lupang sakahan ang produksyon ng bigas sa bansa.

Sa isang ektaryang sakahan, tinatayang 40 sako ng bigas ang maaaring anihin.

Ayon sa PSA, ang pagkaunti ng sakahan ay dulot na rin ng paghimok ng mga magsasaka sa kanilang mga anak na huwag magsaka.

Bunsod din ito ng ilang mga nagbenta ng kanilang lupain sa real estate developers.

Read more...