2 miyembro ng robbery group patay sa engkwentro sa CamSur

Patay ang dalawang lalaki na hinihinalang miyembro ng robbery and hold up group sa engkwentro na naganap sa Tinambac, Camarines Sur.

Ayon kay Bicol Region Police Office spokesperson Sr. Insp. Maria Luisa Calubaquib, ang mga suspek ay kinilalang sina Enrique Sta. Ana at Jonald Llames, na kapwa miyembro ng Sta. Ana robbery hold-up group.

Nag-ooperate umano sa Camarines Sur ang nasabing grupo.

Naka-engkwentro ng mga pulis ang dalawang suspek alas 2:15 ng madaling araw sa Barangay Bagacay.

Magsisilbi sana ng search warrant ang mga otoridad sa safehouse ng dalawa nang pinaputukan sila ng mga ito.

Pinaghahanap pa ngayon ang iba pang miyembro ng grupo.

Read more...