Pagbaha na naranasan sa SM North EDSA kahapon dulot ng nag-overflow na creek

CTTO

Nag-overflow na creek ang naging dahilan ng mabilis na pagbaha sa SM North EDSA nang bumuhos ang malakas na ulan Huwebes ng hapon.

Ayon kay UP Professor Mahar Lagmay, hindi na kagulat-gulat na makaranas ng ganoong pagbaha ang palibot ng SM North EDSA kapag nagkaroon ng heavy hanggang torrential na pag-ulan.

Ito ay dahil ang pwesto aniya ng nasabing mall ay malapit sa creek na ang tsansa ay umapaw o mag-overflow kapag malakas ang buhos ng ulan.

Si Lagmay ang siyang nag-develop noon ng Project NOAH ng gobyerno.

Kasabay nito, hinikayat ni Lagmay ang publiko na i-download ang app na Arko PH para malaman ang mga lugar sa Metro Manila na flood prone o mabilis bahain kapag biglaang bumubuhos ang malakas na ulan.

Read more...