US First Lady Melania Trump binisita ang mga batang migrante sa Texas; suot na jacket na may nakasulat na “I don’t care” usap-usapan

AP Photo

Nagsagawa ng surprised visit si US First Lady Melania Trump sa isang pasilidad sa Texas kung saan naroroon ang mga batang migrante.

Ang mga bata ay dinala sa detention facility matapos ilegal na pumasok sa Estados Unidos ang kanilang magulang.

Partikular na nagtungo ang first lady sa Upbring New Hope Children’s Center na mayroong inaalagaang 55 mga bata.

Ayon kay Stephanie Grisham, tagapagsalita ng first lady, nananatiling nakahiwalay sa mga magulang ang mga batang dinatnan nila doon.

Nagkaroon pa ng pagkakataon si Melania na makausap ang ilan sa mga bata, at tinanong ang mga ito kung gaano katagal na sila sa center.

Samantala, naging sentro naman ng usap-usapan ang suot na jacket ni Melania nang ginawa niya ang pagbisita sa pasilidad.

Sa likod kasi ng jacket ay may nakasulat na “I really don’t care, do you?”.

Ayon kay Grisham, walang ibig sabihin ang pagsusuot ng nasabing jacket ng first lady.

Read more...