Tatlong bus nagkarambola sa EDSA-Buendia northbound

Maagang naperwisyo ang mga motorista sa northbound lane ng EDSA.

Ito ay makaraang magkarambola ang tatlong pampasaherong bus sa bahagi ng EDSA – Buendia.

Ayon sa MMDA, naganap ang aksidente alas 5:00 ng umaga.

Dalawang linya sa EDSA-Buendia northbound ang naokupahan ng mga bus na sangkot sa aksidente kaya nagdulot ito ng traffic.

Inaalam pa kung ano ang naging dahilan ng karambola.

 

Read more...