Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi lang DAP ang dapat na habulin ng Ombudsman kundi maging ang mga opisyal ng gobyerno na dawit din sa pork barrel scam.
Sa panig ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, ngayong kakasuhan na ng Ombudsman si Aquino ng usurpation of legislative powers ay dapat na ring bususiin ng Ombudsman ang iba pang opisyal para makasuhan ng administratibo at kriminal.
Ayon kay Panelo, welcome sa Palasyo ang hakbang ng Ombudsman para papanagutin ang mga taong responsable sa pagwaldas sa pondo ng DAP.