Ayon kay Special Assistant to the President (SAP) Christopher Bong Go, iniabot ang naturang ayuda kasabay ng pagbubukas ng Malasakit Center.
Ayon kay Go, ito na ang ikaapat na Malasakit Center na naipagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nabatid na ang Malasakit Center ang one-stop center na tumutugon sa pangangailangan ng mga naoospital.
Ayon kay Go, hangad ng Duterte administration na maibalik sa taumbayan ang serbisyo dahil pera ito mula sa mga buwis na ibinabayad sa gobyerno.
Bukod sa Iloilo, may Malasakit Center na rin sa Davao, Tacloban City sa Leyte, at Cebu.
MOST READ
LATEST STORIES