Pahayag ito ni Education Sec. Leonor Briones matapos sabihin ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na isusulong nila ang mandatory drug testing sa lahat ng mga estudyante mula Grade 4 pataas.
Ayon kay Briones, ang panukala ng PDEA ay dapat na linawin at masusing pag-aralan kung ano ba ang layon nito.
Binanggit ng kalihim na sa ilalim ng batas ay pwede ang drug testing sa high school level pero hindi sa elementary.
Dapat anyang ikunsidera ang privacy at reputasyon ng mga estudyante.
Problema rin anya ang logistics at proseso ng drug testing lalo na’t nasa 14 million na ang mga estudyante sa buong bansa.
Makikipag-pulong ang mga opisyal ng DepEd sa PDEA para pag-usapan ang isyu.