San Juan Knights tinalo ang Pampanga Lanterns sa Maharlika Pilipinas

Wagi ang San Juan Knights kontra Pampanga Lanterns sa kanilang naging tapatan kagabi para sa 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup.

Mismong sa homecourt ng Lanterns sa Angeles tinalo ng Knights ang koponan.

Natapos ang laro sa iskor na 76-73, pabor sa San Juan.

Pinangunahan ng dating miyembro ng Ginebra Gin Kings ang Knights na si John Wilson matapos nitong makapagtala ng 20 puntos at apat na triples.

14 na puntos naman ang ibinigay ng dating miyembro ng Mapua na si CJ Isit.

Hindi rin nagpatalo si Larry Rodriguez sa kanyang 12 points, habang 10 puntos naman ang binigay ni Mike Ayonayon.

Read more...