Mga pari hindi maaring magdala ng armas nang hindi aprubado ng obispo – Bp. David

Iginiit ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Vice President at Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na nasa mga obispo ang desisyon kung papayagan ang mga pari na magdala ng armas.

Nagpaalala ang obispo sa kaparian na ang huling desisyon ay nasa mga lider-pandiyosesis.

Kampante si David na kahit isang obispo ay walang papayag sa naturang ideya.

“Let’s see if there’s a single bishop who would allow them to do so,” ani David.

Iginiit ng Kalookan bishop na maging ang kaparian sa ilalim ng Military Ordinariate ay kinakailangang hingin ang permiso ng kanilang obispo para makapagdala ng mga armas.

Matatandaang sinabi ng Philippine National Police (PNP) na mahigit 240 na pari at mga pastor ang humihiling ng permiso na magbitbit ng armas.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, 188 sa bilang na ito ay mga pari.

Matatandaang tinutulan na ng ilang opisyal ng CBCP ang ideyang ito na layong maprotektahan ng mga pari ang kanilang sarili matapos ang mga insidente ng pagpatay sa ilang mga pari.

Hindi rin sang-ayon maging ang Philippine Council of Evangelical Churches (PCEC) sa ideya at sinabing makapagpapalala lamang ito sa karahasan.

Read more...