Ilocos Norte niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang Ilocos Norte alas-4 kaninang madaling araw.

Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang episentro ng lindol sa layong 42 kilometro Kanluran ng bayan ng Pagudpud.

May lalim ang lindol na 34 kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman inaasahan ang aftershocks at pinsala sa ari-arian.

Read more...