2 lalaki patay sa engkwentro sa Maynila

Dead on the spot ang dalawang lalaki matapos mauwi sa engkwentro ang ikinasang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Manila Police District.

Naganap ang insidente sa Barangay 128 sa Balut, Tondo na sakop ng MPD Station 1.

Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang mga suspek.

Tumanggi ring magbigay ng inisyal na impormasyon ang mga otoridad tungkol sa naganap na engkwentro.

Read more...