Ilang lugar sa Metro Manila at kalapit na mga lalawigan, binaha dahil sa malakas na ulan

Binaha ang ilang lugar sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila at kalapit na mga lalawigan dahil sa biglang malakas na ulan o thunderstorms.

May flood alert ang MMDA sa sumusunod na mga lugar:

– Quezon Ave. Biak na Bato eastbound/westbound waist deep. Not passable to light vehicles
– EDSA Pasong Tamo SB/NB Waist deep. Not passable to light vehicles
– C5 CP Garcia Katipunan SB/NB Tire deep. Not passables to light vehicles
– EDSA Gen, Malvar SB/NB Gutter deep. All lanes passables
– Commonwealth Tandang Sora EB/WB Gutter deep. All lanes passables

Ayon sa Pagasa, pasado alas 5:00 ng hapon ay nakaranas ng heavy to torrential rains sa Metro Manila at mga probinsya ng Rizal, Bulacan, Laguna, Quezon, Batangas at Pampanga.

Ang thunderstorms ay inaasahang tatagal hanggang sa susunod na 3 oras.

Malakas ding ulan na may malakas na hangin ang naranasan sa mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Cavite, Tarlac at Nueva Ecija.

Samantala, sinabi naman ni Pagasa weather forecaster Gener Quitlong na nalusaw na ang low pressure area (LPA) na kanilang minomonitor pero patuloy na nakakaapekto ang southwest monsoon o hanging habagat.

Read more...