Duterte pag-aaralan kung tama pa bang ituloy ang peace talks sa CPP-NPA

Inquirer file photo

Pag-aaralan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng mga nilagdaang kasunduan ng nakaraang adminisrasyon sa National Democratic Front of the Philippines at Communist Party of the Philippines.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, gagawin ng pangulo ang pagrerepaso habang umiiral ang tatlong buwang suspensyon ng back channel talks sa komunistang grupo.

Nauna na ring sinabi ng pangulo na lugi an pamahalaan sa lamang ng ilang kasunduan kaya nagagawang magyabang ng mga lider ng mga komunistang grupo na nagpapasarap lang sa labas ng bansa.

Susuriin ng pangulo ang JASIG o ang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees na nagbibigay ng kaligtasan sa mga NDF consultants na makabiyahe sa bansa o sa labas ng bansa ng hindi hinuhuli ng otoridad habang may peace talks.

Samantala, umaasa ang Malacañang na babalik na sa bansa ang mga NDF consultant na pansamantalang pinayagang makabiyahe abroad ngayong suspendido ang back channel talks at nakabitin ang peace talks.

Read more...