Tuloy ang pagsulong ng Philippine Drug Enforcement Agency sa pagsasagawa ng mandatory drug testing sa mga guro at estudyante mula Grade 4 pataas.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, may mga nahuhuli silang guro at mga estudyante sa kanilang mga operasyon.
Pinakabata aniya na naaresto ng ahensya ay 10 taong gulang.
Nakipag-ugnayan na ang PDEA sa Dangerous Drugs Board at Department of Education ukol sa panukala.
Bukas naman ang Department of Education sa nasabing panukala pero kailangan umanong tiyakin na hindi maaabuso ang mga kabataang dadaan sa drug testing.
Nauna na ring sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones na dapat na ipaalam muna sa mga magulang ang mandatory drug test.
Dagdag ni Briones, sensitibo ang usapin kaya dapat na isagawa lamang ito sa piling populasyon ng mga estudyante.