Batay sa pahayag ng kanilang Department of Public Services o DPS, kaya naantala ang paghahakot ng basura dahil hindi nakabiyahe ang mga barge na magkakarga ng basura mula sa lungsod ng Navotas.
Sa kasalukuyan ay unti-unti nang hinahakot ang mga basura sa mga lugar kung saan maraming nakatambak.
Inaasahan naman na sa weekend ay babalik na sa normal ang pagkolekta ng mga basura.
Paliwanag ng DPS, ang serye ng mga pag-ulan nitong mga nakaraang araw ang dahilan kung bakit hindi nahakot ang mga gatambak na basura.
Dahil sa bulto ng basura na nakatambak sa mga lansangan ay kinailangan na ng payloader para mahakot ito.
Ayon naman sa task force Manila Clean-up, isa sa mga dahilan kung bakit nagkakalat ang basura dahil sa paghalukay ng mga nangangakal.
Sinabi ni Che Borromeo, ang pinuno ng Task force Manila Clean-up, para maiwasan ang ganoong senaryo tuwing masama ang panahon ay naghahanda na sila ng pansamantalang tambakan ng basura sa loob ng Pier 18.
Isang ektaryang lupa sa loob ng pier 18 ang gagamitin para pansamantalang imbakan ng basura sakaling hindi makadaong ang mga barge na magkakarga ng basura patungong Navotas.
Pakiusap naman ng DPS sa mga residente ng Maynila at mga nangangalakal na maging responsable sa pagtatapon ng basura.