Nilinaw ng Malakanyang na hindi inaresto ang mahigit 7,000 tambay na pinagdadampot ng Philippine National Police (PNP) sa nakalipas na pitong araw.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, imposibleng arestuhin ang 7,000 katao dahil tiyak na wala silang paglalagyan sa kulungan.
Hindi maikakaila ayon kay Roque na noon pa man may problema at siksikan na ang mga kulungan sa bansa.
Paglilinaw pa ni Roque, ang 7,000 tambay ay maaring nasita lamang ng PNP dahil sa pakalat-kalat sa kalsada.
Kasabay nito, muling hinimok ni Roque ang mga nadampot na tambay na maghain ng kaso laban sa mga pulis kung sa tingin nila ay nalabag ang kanilang karapatang pantao.
MOST READ
LATEST STORIES