Anti-tambay drive dapat ipaubaya muna sa barangay ayon kay Sen. Ejercito

Sinabi ni Senator JV Ejercito na bahagi na ng kultura ng mga Filipino ang pagtambay.

Dagdag pa ng senador malaking tulong din ang pagtatambay dahil nagiging support system ito lalo na sa mga may mabibigat na problema.

Aniya dapat ay barangay muna ang magpatupad ng anti-tambay drive bago ang mga otoridad.

Katuwiran ni Ejercito kilala ng mga opisyal ng mga barangay ang kanilang mga kalugar at maaring pumasok lang sa eksena ang mga pulis kung hindi na kaya ng mga taga-barangay ang sitwasyon.

Aniya dapat din maghigpit ang mga taga barangay sa pagpapatupad ng ordinansa lalo na ang pag inom sa kalsada.

Read more...