Ayon kay Alvarez na marami ang maituturing “trapped” sa mga failed marriages, bagay na dapat masolusyunan ng gobyerno.
Paliwanag ng pinuno ng kamara, may “persistent calls” para sa pagsasabatas ng marriage dissolution law, na naglalayong makapagbigay ng mas mura at mabilis na alternatibo para sa annulment na kadalasan ay inaabot ng ilang taon ang proseso at nagkakahalaga ng mahigit P250,000 para maisapinal lamang ito.
Karamihan aniya sa kanyang natatanggap na mensahe sa kanyang social media account ay pawang mga apela para sa pagsasabatas ng naturang panukala.
Tinukoy pa nito ang resulta ng Social Weather Station survey na isinagawa noong Marso 25 hanggang 28, 2017, at noong Disyembre 8 hanggang 16, 2017 kung saan 53 percent ng mga Pilipino ang sang-ayon para gawing ligal ang diborsyo sa bansa.
Gayunman, sa kanilang pagpupulong ni Senate President Vicente Sotto III noong Mayo 28 sa Malakanyang, nagpahayag si Alvarez ng kanyang pag-asa para sa pagsasabatas ng naturang panukala bago ang pagtatapos ng 17th Congress.