Sinabi ni Senator Panfilo Lacson na matagal na niyang hinahanapan din ng kasagutan kung bakit kailangan pa ng third country facilitator at sa ibang bansa pa kailangan isagawa ang pag-uusap ng dalawang panig.
Aniya istorbo at magastos pa ang ganitong set-up ng peace talks.
Pagdidiin ng senador hindi naman siguro maapektuhan ang pag-uusap kung walang ibang bansa na sangkot.
Dagdag pa ng senador kailangan lang naman bigyan ng safe conduct pass ang mga miyembro ng negotiating team na nasa self-exile sa ibang bansa.
Una ng idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat sa Pilipinas makipag usap ang National Democratic Front of the Philippines, Communist Party of the Philippines, at New People’s Army kung gusto talaga nila na magkaroon na ng kapayapaan.