Publiko hinimok na makiisa sa nationwide earthquake drill ngayong araw

Hinimok ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang publiko na makiisa sa nationwide earthquake drill na isasagawa ngayong araw.

Pagsapit ng alas 2:00 ng hapon, hinihikayat ang lahat na magsagawa ng duck, cover and hold.

Ang bayan ng San Mateo sa lalawigan ng Rizal ang magiging ceremonial venue ng 2nd quarter earthquake drill.

Dahil dito, maaga pa lamang ay mga ipinatupad nang re-reouting sa nasabing bayan.

Ilang lansangan kasi ang hindi pinadaanan para sa paghahandang ginagawa.

Apektado ang mga motoristang patungo ng Marikina City at pauwi ng Rodriguez, Rizal.

Ang Marikina City, San Mateo at Rodriguez ay dinaraanan ng west valley fault.

 

Read more...