Ilegal na droga at iba pang kontrabando nakumpiska sa mga preso sa Mandaue City Jail

CDN Photo

Nagsagawa ng Oplan greyhound ang mga otoridad sa Mandaue City Jail.

Pasado alas 5:00 ng umaga, pinasok ng pinagsanib na pwersa ng Police Regional Office ng Central Visayas (PRO-7), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-7), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-7), Anti-Cybercrime Group Visayas, PNP Crime Laboratory, at SWAT ang bilangguan.

Sa nasabing operasyon nakuhanan ng ilang sachet ng hinihinalang shabu, mga drug paraphernalia at mga bawal na gamit gaya ng TV, sound systems at DVD players ang mga preso.

Ginawa ang operasyon dalawang araw matapos mabaril sa loob ng selda ng kaniyang kapwa preso ang hinihinalang drug lord na si Steve Go.

Ayon kay Chief Supt. Arnold Buenacosa, direktor ng Bureau of Jail Management and Penology sa Central Visayas (BJMP-7), pagpapaliwanagin niya ang mga jail guard sa bilangguan kung paanong nakapapasok sa loob ang mga bawal na gamit.

 

Read more...