Ayon kay House Committee on Government Reorganization Chairman at Camiguin Rep. Xavier Jesus Romualdo, may legal na batayan ang utos ng pangulo.
Paliwanag nito, maaring pauwiin ng mga otoridad ang mga tambay at arestuhin kung magmamatigas na magpakalat-kalat sa lansangan.
Nakasaad aniya sa New Civil Code na ‘public nuisance’ na maituturing ang pagkalat sa mga lansangan dahil sagabal ito sa iba bukod pa sa nakakaapekto ang mga tambay sa komunidad at mga kapitbahay.
Iginiit nito na ang public nuisance ay maaring sugpuin ng walang anumang judicial proceedings.
Bukod dito, mayroon din anyang mga ordinansa ang mga lokal na pamahalaan na maaring gawing batayan ng pag aresto.