Sa ilalim ng Saligang Batas, mayroong 90-araw para makapaghirang si Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong punong mahistrado magmula nang mabakante ang pwesto.
Kaugnay nito, idineklara ng Korte Suprema na ang pagbibilang ng 90 araw ay nagsimula noong June 19, ang petsa ng promulgation ng resolusyon na nagbabasura sa apela ng napatalsik na si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ang JBC ang sumasala sa lahat ng mga aplikante sa posisyon sa hudikatura at nagsusumite ng shortlist sa pangulo na pagpipilian ng hihirangin sa pwesto.
Sa sandaling makakuha na ng mga aplikasyon, dadaan sa public interview ng JBC ang mga aplikante at nominado.
Mula sa mga ito ay pipili sila ng isasama sa shortlist na irerekomenda kay Pangulong Duterte.
Kahit naman may shortlist, nasa pangulo pa rin ang final ‘say’ sa kung sino ang kaniyang hihirangin sa pwesto.