Dalawang kaanak ng mayor sa Sulu nakalaya na sa pagkakabihag ng Abu Sayyaf

Nailigtas ng mga sundalo ang dalawang kaanak ng alkalde sa Sulu na dinukot ng bandidong grupong Abu Sayyaf.

Ayon kay Lt. Col. Gerry Besana, tagapasalita ng Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nailigtas mula sa kamay ng mga bandido ang half-sister at step mother ni Talipao, Sulu Mayor Nivocadnezar Tulawie.

Hindi naman na nagbigay pa ng dagdag na impormasyon si Besana hinggil sa kung paanong nailigtas ang mga biktima.

Sina Edelyn Tulawie at Addang Tulawie ay dinukot mula sa kanilang bahay sa boundary ng Barangay Kandaga at Kuhaw, Talipao noong Miyerkules.

Ayon sa alkalde, maaring dinukot ang dalawa niyang kaanak dahil sa kaniyang pagsuporta sa kampanya ng militar laban sa ASG.

 

Read more...