CPP founding chairman Jose Maria Sison uuwi ng bansa ayon kay Pangulong Duterte

Kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte na uuwi ng bansa si Communist Party of the Philippines Founding Chairman Jose Maria Sison.

Ito ay para talakayin ang isinusulong na peace talks ng gobyerno sa rebeldeng grupo.

Sa talumpati kagabi ng pangulo sa Iloilo, sinabi nito na nagkausap na sila ni Sison.

Giit ng pangulo, sasagutin na niya ang lahat ng gastusin ni Sison sa pag-uwi sa bansa.

Una rito, sinabi ni Sison na hindi na matutuloy ang pag-uwi niya sa bansa sa buwan ng Agosto matapos kanselahin ng pangulo ang nakatakdang resumption ng peace talks sa June 28 sa Norway.

 

Read more...