Backchannel talks sa NDF, sinuspinde na rin ng pamahalaan

Nani Braganza FB photo

Sinuspinde na ng pamahalaan ang backchannel talks nito sa National Democratic Front (NDF) para bigyang-daan muna ang pagrebisa sa lahat ng kasunduang nalagdaan kaugnay sa peace talks.

Sa pahayag, sinabi ni government negotiator Hernani Braganza, tatlong buwan ang gagawin nilang pag-review sa mga nilagdaang kasunduan.

Ani Braganza, ipinaalam nila ang suspensyon ng backchannel talks sa isinagawang pagpupulong sa Utrecht sa The Netherlands na dinaluhan ng mga lider ng NDF leaders sa pamumuno nina chief negotiator Fidel Agcaoili at Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison.

Present din sa nasabing pulong ang third-party facilitators mula sa Norwegian government sa pangunguna ni Special Envoy for Peace Idun Tvedt.

Nagtungo sa Utrecht ang negotiating team ng Pilipinas para pormal nba iparating sa NDF ang pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-reschedule na lang ang planong pagsisimulang muli ng peace negotiations.

Ayon kay Braganza, naging bukas naman ang mga kinatawan ng NDF sa pasya ng pangulo.

Read more...