R-13 rating sa Heneral Luna pinanatili ng MTRCB

heneral-luna
Inquirer/Artikulo Uno Prod.

Nanatili sa R-13 ang classification ng pelikulang Heneral Luna.

Sa isinagawang second review ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa pelikula, nagdesisyon ang 5-member board na panatilihin ang R-13 na classification nito.

Ang second review sa Heneral Luna ay hiniling ng Artikulo Uno Productions, Inc. sa MTRCB sa layong maibaba pa ang edad ng mga papayagang makapanood ng pelikulang Heneral Luna.

Pero sa isinagawang second review, sinabi ng MTRCB na may mga ‘curse language’, marahas na ‘battle scenes’, makatotohanang ‘bloody violence’, at ‘horror’ sa pelikula.

Ang nasabing mga eksena ayon kay MTRCB Chairman Toto Villareal ay hindi angkop sa sa mga batang ang edad ay mas mababa sa 13.

“Ang mga movie producers may mga pagkakataon talaga na humihiling ng another review sa layong sila ay mareclassify, pero dito sa Heneral Luna even after the second review the board decided to retain the R-13,” ayon kay Villareal.

Sa pagsasagawa ng second review sa mga pelikula ang MTRCB ay nagtatalaga ng ibang set ng board members na iba sa naunang mga board members na nagsagawa ng pagsusuri sa unang review.

Read more...