Kasunod ito ng pagkondena sa administrasyon ni Trump mula sa mga kapwa niya Republicans, mga mambabatas mula Democrats at maging sa international community.
Kumalat kasi ang balitang libu-libong mga bata ang inihihiwalay sa kanilang mga magulang na ilegal na pumasok sa US border mula May 5, 2018.
Maging ang mga larawan ng mga bata ay kumalat din sa social media.
Sa executive order ni Trump ipinag-utos nito na panatilihing magkakasama ang bawat pamilya.
Ang responsibilidad sa mga migranteng pamilya ay iniatang ni Trump sa Department of Homeland Security.
Sa kabila ng paglagda sa nasabing kautusan nanindigan si Trump na mananatili ang mahigpit na polisiya ng Amerika sa mga illegal immigrant.