Dalawang drug suspects arestado sa Marikina

Marikina City Police

Arestado ang dalawang drug suspects sa isinagawang buy bust operation sa Marikina City.

Nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Marikina City Police sa Barangay Fortune sa nasabing lungsod.

Nang mag-positibo ang pagbili ng shabu ng nagpanggap na buyer ay doon na inaresto ang dalawang suspek.

Kinilala ang mga itong sina Aldrin Herbes alyas Agi, 21 anyos at SHiela Samson, 32 anyos.

Nakuha mula sa kanila ang ilang sachet ng shabu, drug paraphernalia at P500 na buy bust money.

Read more...