Batay sa 4AM weather update ng PAGASA, maaapektuhan ng trough ng LPA ang Bicol Region habang iiral ang habagat sa Hilaga at Kanlurang bahagi ng Northern Luzon.
Dahil dito inaasahan ang maulap na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa mga nabanggit na lugar na apektado ng LPA at Habagat.
Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon ay mainit at maalinsangan ang panahon maliban na lamang sa ulang dulot ng localized thunderstorms.
Sa Visayas at Mindanao naman ay mainit at maalinsangan din ang panahon maliban na lamang din sa ulang dala ng localized thunderstorms.
MOST READ
LATEST STORIES