Umaasa ang Human Right Watch (HRW) na naka-base sa New York City na papabor ang Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas sa panulakang payagan ang same-sex marriage.
Ayon sa HRW, sakaling maaprubahan ang petisyon ni Atty. Jesus Nicardo Falcis III na payagan ang homosexual marriage sa bansa, ay magreresulta ito sa pantay na marriage law sa Pilipinas.
Dagdag pa ng grupo, makakasama ng Pilipinas ang bansang Taiwan sa mga bansa sa Asya na nagsusulong ng marriage equality.
Binanggit pa ng HRW ang House Bill 6595 na inihain ni House Speaker Pantaleon Alvarez noong 2017 bilang bahagi ng mga argumento upang suportahan ang same-sex marriage sa bansa.
Sa ilalim ng naturang panukala, ang mga homosexual couples ay mabibigyan ng karapatan at proteksyon na ibinibigay sa mga mag-asawang babae at lalaki, kabilang ang pag-aampon, pagpapasa ng mga ari-arian, at pagkakaroon ng tax, insurance, health at pension benefits.
Hinimok pa ng grupo ang Senado na suportahan ang pagprotekta sa karapatan ng LGBTQI community sa Pilipinas.