Sereno welcome sa Liberal Party ayon kay Senador Pangilinan

Kailangan ng Liberal Party ang mga matatapang na babae sa kanilang partido at kung gusto ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno ay maaari itong sumapi sa LP.

Ito ang naging pahayag ni LP President at Senador Kiko Pangilinan, sakali umanong magdesisyon si Sereno na tumakbo sa 2019 senatorial elections.

Tinawag pa ni Pangilinan ang dating punong mahistrado bilang ‘strong addition’ para sa Partido Liberal.

Aniya, sa pamamagitan ng malakas na oposisyon ay magkakaroon rin sila ng malakas na pushback upang depensahan at panatilihin ang mga karapatan ng taumbayan sa isang demokratikong bansa.

Dagdag pa ng senador, bukas ang kanilang partido para sa sinumang handang lumaban kontra sa mga extrajudicial killings, pakikipaglaban sa China patungkol sa mga pinag-aagawang teritoryo, at lalo na sa kurapsyon at pangaabuso.

Read more...