Iba pang kaso ng DAP isasapubliko ni Pangulong Duterte

Isasapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang iba pang kaso ng Disbursement Accelaration Program (DAP) na inupuan lamang ni outgoing Ombudsman Conchita Carpio Morales.

Sa talumpati ng pangulo 2nd Quarterly National Executive Officers and National Board Meeting of the Philippine Councilors League (PCL) and the 5th Local Legislative Education Program sa Iloilo City, sinabi nito na kapuna-puna na pawang mga kalaban lamang ng nakaraang administrasyon ang inaksyunan lamang ni Morales.

Pero inirekomenda na rin ni Morales na kasuhan si dating Pangulong Benigno Aquino III dahil sa kontrobersiya sa DAP.

Dahil sa patapos na ang termino ni Morales, may pinagpipilian na siya na susunod na Ombudsman.

Ayon sa pangulo, unshakable ang pagkatao ng nasa shortlist na kanyang pinagpipilian.

Hindi rin anya matatawaran ang integridad ang mga kasama sa shortlist ng pagpipiliang bagong Ombudsman.

Bukod sa mga nasa shortlist, kakausapin din ng pangulo ang ilan pang mga abogado at judges.

Kamakailan ay nagsagawa ng interview ang JBC sa susunod na Ombudsman.

Read more...